Kumpadre
noun | Filipino Internet Slang | Derogatory
Isang katawagan sa mga lalaking nagpapakita ng lantad na kamanyakan sa social media, partikular sa Facebook comment sections. Karaniwang gumagamit ng mga katagang “Attendance muna tayo, mga kumpadre,” bilang pambungad sa pagkomento sa litrato o post ng mga babae, anuman ang kanilang suot, postura, o intensyon sa pagpo-post. Walang pinipiling pananamit ang ganitong uri ng lalaki; kahit disente at konserbatibo ang kasuotan ng babae, nagagawa pa rin nilang mag-iwan ng malisyoso, manyak, o hindi angkop na komento.
Madalas na makikilala ang isang Kumpadre sa kombinasyon ng mapangahas na pagkomento, kahina-hinalang thirst behavior, at profile picture na nagpapakita ng buong pamilya, asawa, o mga anak—na tila walang kamalay-malay sa kanyang digital alter ego.
Katangian:
* Laging may attendance sa comment section ng mga babaeng nagpo-post ng litrato.
* Hindi kailangan ng revealing outfit para umandar ang kamanyakan.
* Madalas magkomento ng “Present,” “Attendance,” “Good morning, mga kumpadre,” o mga kahalintulad na banat.
* May profile picture kasama ang asawa at mga anak, ngunit aktibong naghahanap ng atensyon ng ibang babae online.
* May kakaibang kumpiyansa sa paglalandi kahit hindi naman hinihingi ang kanyang presensya.

“Hindi naman naka-bikini yung babae, pero may tatlong Kumpadre na agad sa comment section. Attendance muna raw sila.”
Kumpadre by Ang Faraon October 30, 2026