Pagmasdan ang ulan, unti-unting pumapatak
Sa mga halama't mga bulaklak
Pagmasdan ang
dilim, unti-unting bumabalot
Sa buong paligid tuwing umuulan
Kasabay ng ulan, bumubuhos ang iyong
ganda
Kasabay rin ng
hanging kumakanta
Maaari bang huwag ka nang sa
piling ko'y lumisan pa?
Hanggang ang hangi't ula'y tumila na
Buhos na ulan,
aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo, 'di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Pagmasdan ang ulan, unti-unting tumitila
Ikaw ri'y magpapaalam na
Maaari bang minsan pa mahagkan ka't maiduyan pa?
Sa tubig at ulan lamang ang saksi
Minsan pa ulan, bumuhos ka, huwag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo, dalangin
ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Maaari bang minsan pa mahagkan ka't maiduyan pa?
Sa tubig at ulan lamang ang saksi
Buhos na ulan,
aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo, 'di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Minsan pa ulan, bumuhos ka, huwag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka