Pagmasdan ang ulan, unti-unting pumapatak
Sa mga halama't mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim, unti-unting bumabalot
Sa buong paligid tuwing umuulan
Kasabay ng ulan, bumubuhos ang iyong ganda
Kasabay
rin ng hanging kumakanta
Maaari
bang huwag ka
nang sa piling
ko'y lumisan pa?
Hanggang ang hangi't ula'y tumila na
Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos
mo, '
di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Pagmasdan ang ulan, unti-unting tumitila
Ikaw ri'y magpapaalam na
Maaari
bang minsan pa mahagkan ka't maiduyan pa?
Sa tubig at ulan lamang ang saksi
Minsan pa ulan, bumuhos ka, huwag nang tumigil pa
Hatid
mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo